By PH writers, for PH carat readers.

Ang Pinoy SVT Fic Fest ay isang local fic fest para sa KPOP group na SEVENTEEN.
Bukas ang fest sa lahat ng wika, sa lahat ng AUs, at sa lahat din pairings ng SEVENTEEN,
basta tatak Pinoy ang kuwento.

mga kabanata

unang kabanata → Lab&Letter
ikalawang kabanata → Direk, cut!
ikatlong kabanata → Rare Pair Round
huling kabanata → Angst Rd.
#PINOYSVTFICRECS → List of writers
open round → ongoing...

general rules

1. Ang main platform na ginagamit ng fest ay Archive of Our Own (AO3). Kung magsusulat ka, required na mayroon kang AO3 account. Kumuha ng invite request dito kung wala pang account.
2. Ang oras na susundan natin ay ang Philippine Standard Time.
3. Bukas ang fest na ito sa lahat ng wika na ginagamit natin sa bansa. Kasama na rito ang English o Taglish.
4. Anonymous ang fest na ito.
5. Hindi namin tatanggapin ang mga prompts o claims o fic submissions na may degradation sa kahit anong sekswalidad o oryentasyon, lahi, relihiyon, mga elements ng rape at sexual abuse (non-con, dub-con).

frequently asked questions

Q. Ano ang fan fic fest?
A. Ang fan fic fest ay isang fan-driven event ng isang fan community kung saan magsa-sign-up para magsulat ang mga writers ng mga fan fiction para sa kanilang mga idols. Mayroong nakatalang tema at timeline, at sa tulong ng mga mods, ipa-publish ang mga natapos na fics sa AO3 anonymously. Ang @pinoySVTficfest ay isang espesyal na fic fest na nakatutok sa ating mga pinoy writers at readers at sa ating mga kwento.
Q. Anu-anong pairings ang maaaring isulat?
A. Bukas ang fest na ito sa lahat ng pairings sa pagitan ng members mismo ng grupong SEVENTEEN, at pati na rin sa cross-over pairings kasama ang iba pang members ng iba pang grupo o artista. Ang hindi lang tatanggapin ay member/reader pairings.
Q. Kailangan ko ba ng AO3 account para sumali?
A. Dahil ihohost ang fest na ito sa AO3, kinakailangan ng AO3 account para sa lahat ng makikilahok. Kumuha ng invite request dito kung wala pang account.
Q. Anong mga wika ang maaaring gamitin sa fest na ito?
A. Bukas ang fest na ito sa lahat ng wikang ginagamit natin sa bansa. At oo, kasama na rito ang Ingles o Taglish, pati na rin ang iba pang Philippine languages.
Q. Hindi nasagot ang tanong ko sa listahan na ito...
A. Mayroon tayong retrospring kung gusto mo magtanong anonymously, at pwedeng pwede rin mag-DM sa ating Twitter account o magpadala ng e-mail s [email protected] para sa one-on-one correspondence.

Lab&Letter

Ang una nating kabanata ay pinamagatang Lab & Letter, bilang oda sa pinaka-unang full album ng SEVENTEEN, ang Love & Letter.Itong round na ito ay prompt-based at bukas sa lahat ng pairings at AUs.Twitter Moments
AO3 Collection

Direk, cut!

Ang ikalawang kabanata ay pinamagatang Direk, cut! hango sa special album ng SEVENTEEN na Director’s Cut.Itong round na ito ay inspired ng mga pelikulang Pinoy at foreign movies.Twitter Moments
AO3 Collection

Rare pair round

Ang ikatlong kabanata ay isang rare pair round, kung saan tampok ang mga relationship tags na mayroong less than 200 (kapag filtered otp:true) sa AO3.Twitter Thread
AO3 Collection

Angst Round

Ang ikaapat na kabanata ay isang angst-centric prompt-based round kung saan magsasakitan tayo. Bawat kwento ay isang biyahe na may pupuntahan. Where do broken hearts go?Twitter Thread
AO3 Collection

#PINOYSVTFICRECS

Isa itong crowdsourced na event kung saan nagbukas tayo for recommendations ng mga paborito niyong fics sa AO3 at mga AUs sa Twitter! Ang original thread ay matatagpuan sa link na ito.List of writers na na-feature:a5wongyu (myeonandoff)
anonwriterxx
areumshuji
bithuin
cometcloud
defgarae
dokgyungsoo
infjkeith
janewanda
jooniesgukkie
joshilovr
KuuKuuBop
lionscale
lumilikha
magbalikwan
mychocoffee
onescoupaday
pinilakangtabing
poemnumbertwo
pyonjjang
scjubilee
seoksoologist
serenexiu
shmwjd
shuahanniehae
sojutogo
svtannies
woozfm

Open round

Open 24/7! Magsulat base sa kahit anong unclaimed prompts from prev round, submit, publish! O mag-self-prompt! No need to sign up! Magsulat lang tayo all year round!AO3 Collection